^

Police Metro

Mag-ingat vs abo mula sa Taal volcano - DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Mag-ingat vs abo mula sa Taal volcano - DOH
Lumikas na ang mga residente na apektado ng pagsabog ng Taal Volcano noong Sabado at itinaas na rin ng PHIVOLCS sa Alert Level 3.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng public health advisories ang Department of Health (DOH) sa sulfur dioxide emissions at ashfall mula Taal volcano na inalagay na sa Alert Level 3 matapos ang phreatomagmatic burst.

Ayon sa DOH, sulfur dioxide ay colorless toxic gas na maaring mapanga­nib sa respiratory system at hirap sa paghinga.

Ang mga apektadong residente ay pinayuhang iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi kinakailangan, isara ang bintana at pinto lalo na ang malapit sa Taal volcano at laging magsuot ng face mask, protective gear para sa mata at proteksyon sa balat.

Sakaling ma-expose sa sulfur dioxide, kailangan namang magpakonsulta sa poison control centers o ospital.

Binalaan na rin ng DOH ang mga lokal sa mga apektadong ashfall na agad ilikas ang mga residente upang makaiwas sa anumang problema sa kalusugan at ang pagdurusa sa bronchitis, emphysema, o hika ay dapat na maiwasan ang pagkakalantad sa abo ng bulkan. - Mer Layson

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with