^

Police Metro

Alert Level 3 nakataas libu-libong residente inilikas sa Taal

Angie dela Cruz - Pang-masa
Alert Level 3 nakataas libu-libong residente inilikas sa Taal
Kasunod ng pagsasailalim sa Alert Level 3 ng Phivolcs sa Bulkang Taal, libu-libong residente ang inilikas sa Batangas dahil sa pinangangambahang pagkakaroon ng malakas na pagsabog at pagbuga ng magma ng bulkan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Mahigit dalawang libong residente mula sa anim na barangay sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas na malapit sa Bulkang Taal ang inilikas matapos isailalim ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa “Alert Level 3” ang bulkan dahil sa sunud-sunod na pagputok nito at pagbuga ng makakapal na usok at tone-toneladang asupre, kahapon ng umaga.

Ayon kay Col. Glicero Cansilao, Batangas Police director, agad siyang nag-deploy ng karagdagang pulis katuwang ang militar at Philippine Coast Guard sa mga apektadong lugar para tumulong sa mga residente sa gaga­wing paglilikas patungo sa mga evacuation sites o ligtas na lugar.

Sinabi ni Cansilao na naka-full alert status na ang Batangas Police at naglagay na rin sila ng mga karagdagang checkpoints.

“We have already reactivated the contingency plans as well as the augmentations from military and coast guards. We are now full alert status,” ani Cansilao.

Matapos ideklara ang Alert Level 3 sa Taal volcano, pinayuhan ng Phivolcs ang mga residente sa Taal Volcano Island (TVI), sa Barangay Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo at Boso-bobo, Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel na lumikas dahil sa posibilidad na magkaroon ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami. 

Ayon sa Phivolcs, mula sa Alert Level 2 na increasing unrest, itinaas ito sa Alert Level 3 dahil sa short lived “phreatomagmatic burts” na naitala sa bunganga ng bulkan. Nagbuga rin ang bulkan ng plumes na 1500 metro na may kasamang volcanic earthquake at infrasound signals.

Sa tala ng Taal Volcano Network, nagkaroon ng 9 na volcanic earthquakes, kabilang ang tatlong volcanic tremor events na tumagal ng 1-3 minuto, at anim na low-frequency volcanic earthquakes sa bulkan.

May naganap din na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater ng bulkan na lumikha ng plume na may taas na 1,200 metro na napadpad sa hilagang-kanluran. Nagkaroon din ng pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) o asupre mula sa bulkan na may  humigit-kumulang 6,957 tonelada kada araw. - Arnell Ozaeta at Ed Amoroso

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with