^

Police Metro

Para sa lokal na kampanya 5K pulis ipinakalat sa NCR - DILG

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang seguridad sa panahon ng kampanya sa mga lokal na kandidato, nasa 5,000 pulis ang ipinakalat sa National Capital Region (NCR).

Ito ang iniulat kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Diño ang mga barangay officials na manatiling ‘apolitical’ o walang kinikilingang kandidato, alinsunod na rin sa itinatakda ng guidelines ng Omnibus Election Code.

“Nag-deploy tayo ng nasa 4,000 hanggang 5,000 na mga pulis sa NCR,” ayon kay Diño, sa panayam sa radyo at telebisyon kahapon.

“Mahigpit na ibinilin ng DILG sa mga barangay ang Omnibus Election Code na ang mga barangay ay apolitical... Hindi pwedeng mangampanya ang mga barangay,” dagdag nito.

Ipinaalala rin ni Diño na bawal din ang pagsusuot ng mga barangay official ng T-shirt na may nakalagay na ‘vote’ at pangalan ng kandidato.

Maaari naman aniyang dumalo sa political activities ang barangay officials ngunit dapat walang magaganap na endorsement ng kandidato.

vuukle comment

DILG

NATIONAL CAPITAL REGION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with