^

Police Metro

Comelec paiimbestigahan sa NBI ang security breach sa Smartmatic

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upan hindi makaapekto ang integridad ng halalan sa Mayo 9 ay paiimbestigahan na ng Commission on Elections (Comelec) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isyu ng ‘security breach’ sa Smartmatic na unang ibinulgar ng dalawang senador.

“Although we maintain that the Comelec has not fallen victim to any attacks that will amount to a security breach, we will not take these allegations sitting down,” pahayag ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.

Sa ginanap na Comelec en banc meeting, apat na aksyon ang napagkasunduan ng mga komisyuner upang tugunan ang naturang isyu.

Una dito ay ang pakikipagkoordinasyon sa NBI at pagkuha ng kopya ng ulat nito sa oras na makaabot na ang ahensya sa konklusyon ng kanilang isasagawang imbestigasyon.

Igigiit rin nila sa pamunuan ng Smartmatic na magsumite ng ulat ng kanilang internal na imbestigasyon sa insidente, pagsasagawa ng rebyu ng Law Department ng Comelec sa kontrata ng Smartmatic at magbigay ng payo sa susunod na aksyong gagawin, at atasan ang Deputy Executive Director for Operations at ang Information Techonology Department na magbigay ng plano kung paano maiiwasan na mangyari sa kanila ang mga kahalintulad na insidente o isyu.

Una nang pinalutang nina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Imee Marcos na nagkaroon ng ‘security breach’ sa Smartmatic nang makopya umano ng hindi matukoy na grupo ang mga sensitibong impormasyon mula sa isang laptop computer ng isang tauhan nito.

vuukle comment

SMARTMATIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with