Mga turista pinaalalahanan ng PNP sa health protocols
MANILA, Philippines — Muling pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols kaugnay ng nagpapatuloy na banta ng COVID 19.
Kaugnay ito ng inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista sa mga tourist spots ngayong summer season o panahon ng bakasyon.
Ayon kay Col. Jean Fajardo ng Public Information Officer ng PNP, dapat panatilihin pa rin ang pagsusuot ng face mask at palagiang magdala ng alcohol.
Sinabi ni Fajardo na asahan na ang presensya ng idedeploy na mga pulis sa mga beaches, mga kilalang destinasyon ng mga turista at mga simbahan sa panahon ng Semana Santa.
- Latest