^

Police Metro

Publisher inaresto sa ‘tanim’ granada

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naniniwala ang misis ng isang publisher ng local newspaper sa Pangasinan na ‘planted’ ang nakuhang granada sa kanilang bahay  kamakalawa ng tanghali nang pasukin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Manilyn Mendoza, misis ni Jaime Aquino na publisher ng isang local newspaper sa Pangasinan, nagpapagasolina ang kanyang mister nang biglang lumapit ang mga tauhan ng NBI sa bisa ng isang bench warrant.

Subalit, sa halip na dalhin sa presinto si Aquino ay dinala ito ng mga ahente ng NBI sa kanyang tahanan upang magsagawa naman ng search sa bisa ng hawak nilang search warrant na ipinalabas ni Pangasi­nan Tayug Regional Trial Court Branch 51 Judge Rusty M. Nay na may petsang Marso 14, 2022.

Pero, ang nilalaman ng search warrant ay ipinag-uutos ng hukuman ang pagsasagawa ng search sa tahanan ni Aquino sa kanyang water refiling station at sa isang Pavillon.

Gumawa ng inventory report ang mga tauhan ng NBI at dito nakasaad na wala silang nakita na kanilang hinahanap batay sa nilalaman ng search warrant.

Makalipas ang ilang minuto, muling nagha­lughog ang mga tauhan ng NBI at doon na nakita ang sinasabing granada sa lalagyan ng mga pinggan.

Sinabi ni Mendoza na imposibleng maglagay sila o sinuman ng granada sa mismong lagayan ng pinggan dahil doon naglalaro ang kanyang mga anak.

Aminado si Mendoza na malaking tao ang nakabangga ng kanyang mister at natatakot siya sa kapakanan nito.

vuukle comment

JOURNALIST

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with