^

Police Metro

Pinas nais gawing ‘maritime power’ ni Robredo

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung papalaring manalong pangulong ng bansa ay tiniyak ni Vice President Leni Robredo na magi­ging “maritime power” ang Pilipinas sa mga susunod na taon. Ayon kay dating ­Philippine Navy Commander Rommel Ong, hindi pababayaan ni Robredo ang seguridad sa bansa at igigiit ang soberenya ng Pilipinas sa mga teritoryong sakop nito. Si Ong ay miyembro ng national security team ni Robredo.

Sinabi pa ni Ong na tiyak na magkakaroon ng pagbabago sa Armed Forces of the Philippines mula sa pagiging “land-centric” patungong “maritime power.”

“Kaakibat po dito ay ang pagbabago ng pananaw o pag-iisip kung paano natin huhubugin ang Sandatahang Lakas,” pahayag ni Ong.

Anya, batid ni Robredo na nakatutok lamang ang bansa ngayon sa lupa at napababayaan ang “territorial waters”.

Sinabi pa ni Ong, gagawing prayoridad ni Robredo at ng kanyang security team ang “advancement of support industries” at “support knowledge” mula sa mga bansang malakas ang marine fleet.

Una nang inamin ng Department of Defense noong 2019 na maliit lamang ang kapabilidad ng Pilipinas sakaling magkaroon ng pag-atake sa territorial waters ng bansa.

Sinabi naman ni senatorial candidate Antonio Trillanes IV na bagama’t mayroon nang modernisasyon sa AFP, mahaharap pa rin ito sa “arms race.”

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with