Hospital utilization rate sa NCR, pumapatag na
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na pumapatag na ang hospital utilization rate sa National Capital Region (NCR) kasunod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng impeksyon sa rehiyon.
“Nag-downtrend na, pero nagpa-plateau na ho tayo sa 19% at saka sa mga 20% plus sa intensive care units. Bumaba, pero nagpa-plateau na ang hospital utilization rate dito sa Metro Manila,” ayon kay Vega.
Hindi na rin maglalabas ang DOH ng arawang COVID-19 case bulletin at ginawa na itong lingguhan na kung saan nakatutok ito sa kung ilan ang aktibong ‘severe at critical’ na impeksyon at utilisasyon ng ‘intensive care unit (ICU)’.
Nitong Lunes, nag-ulat ang DOH ng 1,055 severe at critical cases habang nasa 25.7% o 807 sa 3,138 ICU beds ang okupado sa buong bansa. Base ito sa mga datos noong Marso 6.
- Latest