Budget ng local tourist gawing abot-kaya
MANILA, Philippines — Kaugnay ng pagpapairal ng Alert Level 1 na hudyat ng pag-alis ng travel restrictioons ay dapat panatilihing abot-kaya ang gastusin sa pagbibiyahe ng mas maraming local na turista sa mga tourist destinations upang sabay makatulong ang domestic at international tourism sa post-pandemic economic recovery ng bansa.
Ito ang panawagan ni Turismo Isulong Mo Partylist (#156TURISMO) nominee Edmond Mayormita sa mga miyembro ng sektor ng turismo upang mahikayat ang mas maraming Pilipino na nagnanais mamasyal partikular na ang mga pamilyang na-lockdown nang dalawang taon.
Sinabi ni Mayormita, isang travel entrepreneur at sustainable tourism advocate, higit ang kontribusyon ng domestic tourism sa ekonomiya ng bansa kaysa sa international tourism bagaman mas maraming banyaga ang nakakapunta sa mamahaling tourist sites.
Aniya, malaki ang maitutulong kung mabibigyan ng diskwento ang mga kababayan natin sa pasahe sa eroplano, van rentals, ferry fares, entrance fees, hotel accommodation at food prices.
- Latest