^

Police Metro

7 kawatang pulis nanganganib masibak sa serbisyo

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pitong pulis ang nanganganib na masibak sa kanilang serbisyo dahil sa kasong robbery-carnapping sa Agusan del Sur.

Kinilala ni Internal Affairs Service-PNP inspector Ge­neral Alfegar Triambulo, ang mga pulis na sina Lieutenant Colonel Jared Charles Joaquin; Senior Master Sergeant Ronald Laro; Staff Sergeants Daryll John Mozo, Richard Ayala,  Lolito Valdez; Patrolmen Ivan Klein Osorio at Sebastian Batausa.

Nag-ugat ang kaso ng mga pulis nitong Enero 14, sa umano’y iligal na operasyon laban sa pastor at negosyanteng si Jasper Pabilic, sa loob ng chapel nito sa nasabing lugar.

Inakusahan ng mga suspek na sangkot umano sa iligal na droga si Pabilic,subalit nang salakayin nila ang lugar nito, nadiskubreng namimili ito ng mga Agarwood, isang uri ng mamahaling kahoy na ginagamit sa pabango, insenso at iba pa.

Dito, kinuha ng mga suspek ang mga ari-arian ni Pabilic kabilang ang P3M; Ford Ranger Raptor, at mga cellphone.

vuukle comment

CASE

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with