^

Police Metro

Bulkang Taal muling nag-alboroto

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng 14 na volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag ang bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagyanig nakapagtala rin ng dalawa (2) hanggang limang (5) minuto at dalawang (2) low-frequency na lindol ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na ang aktibidad sa main crated ng bulkan ay pina­ngunahan ng pagtaas ng maiinit na volcanic fluid sa lawa nito na nagdulot ng mga plume na 900 metro ang taas na lumipad sa timog-kanluran.

Nabatid pa sa Phivolcs na patuloy na nakataas sa alert level 2 ang bulkang Taal at pinaalalahanan ang publiko na maaaring magdala ito ng biglaang pagsabog ng singaw o gas, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulation o expulsion ng volcanic gas ng bulkan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ng Phivolcs ang mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone o PDZ, ng bulkan lalo na sa paligid ng main crater at Daang Kastila fissure dahil sa banta ng pagsabog.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa civil aviation na abisuhan ang kanilang mga piloto na iwasang magpalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa airborne ash at ballistic fragment.

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with