^

Police Metro

Murder suspect na nang-hostage ng pamilya, napatay

Mer Layson - Pang-masa
Murder suspect na nang-hostage ng pamilya, napatay
Hinostage nito ang mga biktima na nakilalang sina Rosalinda Dalumpines, 54; Reynan Dalumpines, 25; Ma. Salvie Dalumpines, 14; Riza Dalumpines, 12; Arjay Dalumpines, 19; ang isang taong gulang na sanggol na si Renzo Andrei Dalumpines, at Marjorie Lacumba, 21, pawang naninirahan sa 264 Visayas Ext., Pasong Tamo, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang isang umano’y murder suspect matapos na i-hostage ang pitong mi­yembro ng isang pamilya sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang nasawing suspek dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay nakilala lamang sa pangalang Arthur Agpalo alyas “Eagleman”.

Hinostage nito ang mga biktima na nakilalang sina Rosalinda Dalumpines, 54; Reynan Dalumpines, 25; Ma. Salvie Dalumpines, 14; Riza Dalumpines, 12; Arjay Dalumpines, 19; ang isang taong gulang na sanggol na si Renzo Andrei Dalumpines, at Marjorie Lacumba, 21, pawang naninirahan sa 264 Visayas Ext., Pasong Tamo, Quezon City.

Batay sa ulat ng ­Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-2:50 ng madaling araw nang maganap ang pangho-hostage sa mga biktima.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Holy Spirit Police Station (PS 14), bago ang engkwentro ay nagsagawa ng follow-up operation ang kanilang mga pulis sa nangyaring shoo­ting incident noong Pebrero 14, nang may magbigay ng impormas­yon kung saan nagtatago ang mga suspek na  alias  Suysoy at Eagleman.

Hindi naman nabigo ang mga otoridad at naaresto si Suysoy sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 at frustrated murder sa Commonwealth Avenue habang ang suspek na si Agpalo ay tumakas at pinaputukan ang mga otoridad.

Nasundan pa rin ng mga pulis si Agpalo sa tahanan ng umano’y nobya nito sa 108 Santan St., Pasong Tamo, at mu­ling pinaputukan ang mga ­operatiba ng PS 14.

Pumasok naman ito sa tahanan ng mga biktima at ginawang hostage ang mga ito at ilang sandali ay nabaril ito ng mga pulis na agad nitong ikinamatay.

vuukle comment

MURDER

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with