^

Police Metro

Pinakamataas sa loob ng 6 dekada 800,000 pinoy pumanaw sa taong 2021

Danilo Garcia - Pang-masa
Pinakamataas sa loob ng 6 dekada 800,000 pinoy pumanaw sa taong 2021
“In 2019 and 2020, the mortality rate was about the same at 5.8 per 1,000 Filipinos. By the end of 2021, I believe it reached 7.5 or 8 per 1,000,” ayon kay POPCOM executive director Dr. Juan Perez.
AFP / Maria Tan

MANILA, Philippines — Sa pagtaya ng Commission on Population and Development (POPCOM) ay umabot sa 800,000 Pinoy ang nasawi noong 2021 na pinakamataas na “­mortality rate” o bilang ng mga nasawi sa loob ng anim na dekada.

Sa datos ng POPCOM, mula Enero hanggang kalagitnaan pa lamang ng Nobyembre 2021, nakapagtala na ng 768,000 nasawi. 

“In 2019 and 2020, the mortality rate was about the same at 5.8 per 1,000 Filipinos. By the end of 2021, I believe it reached 7.5 or 8 per 1,000,” ayon kay POPCOM executive director Dr. Juan Perez.

Ito ang pinakamalaking bilang ng mga nasawing Pinoy sa isang taon sa loob ng anim na dekada mula nang makapagtala noong pagitan ng 1958 at 1959 ng 7.3 hanggang 8.4 deaths kada 1,000 populasyon.

Ang nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino ay ang “coronary heart disease” kasunod ang COVID-19 na responsable sa 110,332 kamatayan hanggang Oktubre 2021.

Sinabi ni Dr. Perez na ang pagtaas ng “mortality rate” ng bansa ay nangangahulugan ng mga hamon na sinusuong ng “healthcare system” ng Pilipinas at kasama dito ang pagkaantala ng “diagnosis” ng COVID-19 at ang kasunod na paggagamot nito.

Anya, kailangan na mabuhusan pa ng dagdag na puhunan sa healthcare system para mapataas ang kapasidad at kakayahan na rumesponde sa anumang krisis sa kalusugan.

vuukle comment

DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with