^

Police Metro

Pag-import ng galunggong, pag-aralan muna

Joy Cantos - Pang-masa
Pag-import ng galunggong, pag-aralan muna
Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, bagama’t may kakulangan ng galunggong dahil kay bagyong Odette last month at ang umiiral na “fishing ban” ngayon” ay dapat timbangin ng DA kung ano ang mas mahalaga, ang kabuhayan ng mga mangingisda o ang mga negosyante ng  galunggong na  kayang bumili.
The STAR/Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Hiniling ng ACT-CIS Party list sa Department of Agriculture (DA) na dapat pag-aralan muna ang planong pag-aangkat ng galunggong dahil mara­ming mangingisda ang maaapektuhan.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, bagama’t may kakulangan ng galunggong dahil kay bagyong Odette last month at ang umiiral na “fishing ban” ngayon” ay dapat timbangin ng DA kung ano ang mas mahalaga, ang kabuhayan ng mga mangingisda o ang mga negosyante ng  galunggong na  kayang bumili.

Magugunita na nitong mga nakalipas na araw ay biglang sumirit ang presyo ng galunggong mula sa P80 ang kilo ay halos P200 na sa ilang palengke dahil sa kakulangan ng suplay.

Ayon kay Yap, marami pa din isda na kayang bilihin ng mga kababayan tulad ng tilapia, bangus, at iba pang uri ng isda kaya’t wag munang mag-import ng galunggong.

vuukle comment

IMPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with