^

Police Metro

Malakas na agrikultura susi sa pagsulong ng Pinas — Solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang pamumuhunan sa pinalakas na agrikultura ay susi sa mabilis na pagsulong ng ekonomiya ng bansa, sa kabila ng pananaw ng International Monetary Fund (IMF) na magkakaroon ng “economic turbulence” o kaguluhan sa ekonomiya ng mga bansang bumabangon gaya ng Pilipinas, dulot ng pagbabago sa mga panuntunan sa pana­nalapi ng Estados Unidos at nakikitang pagsirit ng Covid-19 Omicron virus.

 Ito ang tugon ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, isang kilala at respetadong ekonomista sa pananaw nina Stephan Danninger, Kenneth Kang at Helene Poirson, mga ekonomista ng IMF sa online nilang pahayag na pinamagatang “Emerging Economies Must Prepare for Fed Tightening.” Iminungkahi nilang kailangang gawin ang akmang mga panuntunan ng mga lider ng bansa batay sa mga hamon nilang kinakaharap at mga pasiya ng US Fed.

 “Patuloy na baba­ngon ang pandaigdigang ekonomiya ngayon at sa susunod na taon, ngunit mananatiling matindi ang panganib na dulot ng suwail na pandemya na maaaring sumabay pa sa mabilis na paghihigpit ng sinturon ng US Fed, kaya dapat handa ang ibang mga bansa sa mga kaguluhang maaaring maganap,” babala ng IMF.

 Bilang tugon sa naturang babala, sinabi ni Salceda na chairman ng House Ways and Means Committee, na dapat dagdagan ng Pilipinas ang pamumuhunan sa agrikultura dahil ang lakas at tibay ng sector na ito ang batayan ng ‘ínflation’ o pagmahal ng mga bilihin at gastusin.

 Tinukoy din ni Salceda na ang maraming kakula­ngan sa pamumuhunan sa sektor ng agrikultura ang dahilan kung bakit kulelat tayo lagi sa produksiyon o ani kung ihahambing sa ibang mga bansa. Ma­tindi rin ang kakulangan sa pamumuhunan sa mekanisasiyon, mga pasilidad para sa mga ani, at sistema sa pagbibili ng mga produkto na pamuhunanan din dapat.”

vuukle comment

INTERNATIONAL MONETARY FUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with