^

Police Metro

Kaso ng Omicron sa pinas umakyat na sa 535

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 535 ang kumpirmadong kaso ng Omicron sa Pilipinas matapos ang 492 bagong kaso  na natukoy mula sa mga sample galing sa ‘returning overseas Filipinos (ROFs)’ at lokal na residente na isinailalim sa genome sequencing.

Sa genome sequen­cing nitong Enero 13-14 ng UP-Philippine Genome Center, UP-National Institutes of Health at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa 714 samples, bukod sa mga bagong Omicron cases, natukoy rin ang dagdag na 115 Delta variant cases, at isang Alpha variant.

Sa 492 bagong kaso ng  Omicron ang 332 dito ay mula sa mga lokal na kaso na karamihan ay sa Metro Manila habang 160 ay mga balikbayan.

Nasa 76 kaso mula sa Calabarzon, 11 kaso mula sa Central Luzon, limang kaso sa Central Visayas, tig-dalawang kaso sa Cagayan Valley,Western Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN at CAR, habang tig-iisang kaso naman sa Ilocos Region, MIMAROPA, at BARMM.

Tatlo sa mga kasong ito ang kasalukuyang ak­tibo, dalawa na ang nasawi habang 467 naman ang nakarekober na at may 20 kaso pa ang kasalukuyang bineberipika.

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with