Hotels na tumanggap ng bisitang ‘di dumaan sa quarantine protocols iimbestigahan
MANILA, Philippines — Nakatakdang imbestigahan ng Department of Tourism (DOT) ang iba pang hotel na pumapayag na hindi mag-quarantine ang kanilang mga guest.
Ito ang inihayag ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat dahil sa nakakatanggap na kuwento ng modus operandi kung saan nagbabayad lamang ang isang indibidwal para hindi na dumaan sa quarantine protocols.
Sa ngayon aniya ay may dalawang hindi kalakihang hotel ang nagsasagawa nito.
“There are two as of now. They’re not big hotels. But it doesn’t matter whether they are big or small.”
“We have to verify… catch them in the act. But the majority [of hotels] follow. [T]here are just a few bad eggs,” saad pa ni Puyat.
Patuloy pang bineberipika ang mga report na kanilang natatanggap at nakipag-ugnayan na sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).
- Latest