P5.024 trilyong budget para sa 2022 lalagdaan ngayon ni Duterte
MANILA, Philippines — Lalagdaan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P5.024 trilyon national budget para sa 2022.
Sinabi ni Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na itinakda ngayong araw ang pagpirma ng Pangulo sa General Appropriations Law.
Muling binanggit ni Nograles ang pangako na hindi aabot sa Disyembre 31 ang pagpasa ng pambansang pondo para sa susunod na taon.
“As promised, the President will sign this very important measure na hindi pa sasapit ang December 31 kagaya ng sinabi ko kahapon. So tomorrow po ang schedule ng pagpirma ni Pangulo ng ating national budget for 2022,” dagdag ni Nograles.
Matatandaan na unang itinakda noong Disyembre 28 ang paglagda sa pambansang pondo para sa 2022, pero hindi ito natuloy.
Base sa paliwanag ng Malacañang, dumaan sa review process ang pondo at masyadong makapal ang inisa-isang pahina.
- Latest