^

Police Metro

Nang-rape sa Samar, naaresto sa Malabon

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang lalaki na tinaguriang Samar no.1 most wanted person dahil sa kasong rape sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Christian Quilim, 42, tubong Eastern Samar at residente ng David Santos St., Malabon City.

Ayon kay P/CPL Josefino Estacio II, nakatanggap ang District Special Operation Unit (DSOU) ng impormasyon mula sa impormante ng NDIT, RIU NCR na nakita ang akusado sa San Agustin St., ng nasabing lungsod na naging dahilan upang mag-dispatch ng mga operatiba sa lugar.

Nang magpositibo ang impormasyon, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga operatiba ng DSOU na nagresulta sa pagkakaaresto kay Quilim, alas-2:50 ng hapon sa San Bartolome Church sa San Agustin Street sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Filotea Estorninos, Presi­ding Judge ng RTC 8th Judicial Region Dolores Eastern Samar   sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa.

Batay sa record,nangyari ang insidente ng panghahalay noong 2005 sa Brgy. Carolina, Can Avid, Eastern Samar matapos umanong lasingin ng akusado ang 17-anyos na biktima na itinago sa pangalang “Katrina”.

vuukle comment

MALABON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with