^

Police Metro

Bohol isinailalim sa state of calamity

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dulot ng matinding pinsala na inabot sa pananalasa ng bagyong Odette, , isinailalim na kahapon sa state of calamity ang lalawigan ng Bohol. 

Ito ay matapos lagdaan ni Bohol Governor Arthur Yap nitong Biyernes ng gabi ang Executive Order (EO) 65 na nagdedeklara ng state of calamity sa buong lalawigan base sa naging pagtaya Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pinsala ng bagyo.

Ang Bohol ay isang destinasyon ng mga turista dahilan sa tarsier , pamosong chocolate hills at Loboc River cruise na kinakantahan ng mga mang-aawit dito habang nakasakay ng bangka.

Sa matinding paghagupit ng bagyong Odette sa Bohol noong Huwebes, maraming mga tahanan ang lumubog sa baha habang nawalan din sila ng elektrisidad at linya ng komunikasyon. 

Nanawagan na ng tulong ang opisyal tulad ng mga gamot, pagkain, malinis na maiinom na tubig , damit, kumot at iba pa para sa kanilang mga residente.

vuukle comment

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with