^

Police Metro

Malacañang pinasalamatan ang Kongreso sa mabilis na ratipikasyon ng 2022 budget

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasalamatan kahapon ng Malacañang ang Kongreso dahil sa mabilis na ratipikasyon ng panukalang P5.024 trilyon national budget para sa 2022.

Ginawa ni acting­ ­presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pahayag matapos magkahiwalay na ratipikahan ng House of Representatives at ng Senado ang bicameral conference committee report ng 2022 General Appropriations Bill (GAB).

Sinabi rin ni Nograles na mahalaga sa Palasyo ang susunod na budget para sa patuloy na paglaban sa  COVID-19 at sa muling pagbagon ng ekonomiya.

Idinagdag ni Nograles na nagpapasalamat ang Malacañang sa lehislatura dahil tiniyak nito na ang huling budget sa susunod na taon ay tutugon sa pagbabago para sa mga susunod na henerasyon.

Tiniyak din ni Nograles na ang budget para sa 2022 ay mapupunta sa mga programa, proyekto at serbisyo na mapapakinabangan ng mga Filipino.

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with