^

Police Metro

P5.024-T 2022 national budget niratipikahan na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Niratipikahan kahapon ng mga mambabatas sa Kamara at Senado ang Bicameral Conference Committee report sa P5.024 trilyong 2022 national budget kaugnay ng mahabang bakasyon sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Kabilang dito ang patuloy na pagtugon sa krisis sa kalusugan kung saan nasa P20 hanggang P30 bilyon ang idinagdag sa panukalang pondo ng Department of Health (DOH) para sa patuloy na pagtugon sa COVID-19 at banta ng variants na Delta at Omicron.

Ayon sa mga mambabatas, prayoridad na mapondohan ang Special Risk Allowances (SRA) ng mga health workers, pagbili ng mga COVID-19 vaccine at mga booster shot.

Nasa P226 bilyon ang inilaang pondo para sa DOH kung saan nasa P45-50 bilyon dito ay para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, Chairman ng House Committee on Appropriations, tinatayang nasa P 50 bilyon ang inilaan sa SRA ng mga medical frontliners habang nasa P50 bilyon naman ang alokasyon sa booster shot.

Naglaan din ng P3.5 bilyon down payment para sa pagbili ng anim na units ng C130 aircraft para sa Philippine Air Force (PAF).

Samantalang sa sektor ng edukasyon, halos nasa  P32 bilyon ang inilaang pondo sa mga State Universities and Colleges (SUCs).Nakakuha ng pinakamataas na pondo ang sektor ng edukasyon na nasa P800 bilyon na pinakamalaki sa taong ito. - Malou escudero

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with