Sa pagsulpot ng COVID-19 variants vaccination posibleng itaas sa 100% populasyon
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants ay posibleng itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyon ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal na virus strain o SARS-CoV-2.
“Yung 70% yun yung sa original strain ng virus natin yung SARS-CoV-2. Ngayon nagkakaroon ng maraming variant, kailangan taasan ang herd immunity. In fact, target natin 90% or kung puwede 100%,” paliwanag ni Vega.
Sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, umaabot na sa mahigit 37 milyong katao ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19 hanggang nitong Disyembre 4.
Bunsod naman ng banta ng Omicron variant sa bansa, hinikayat muli ni Vega ang publiko na magpabakuna na.
- Latest