^

Police Metro

183 biyahero galing South Africa tinutukoy ng DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinutukoy ngayon ng Department of Health (DOH) ang 183 sa 254 biyahero na mula sa South Africa na dumating sa Pi­lipinas mula Nobyembre 15 hanggang Nobyembre 19 kasunod ng banta ng Omicron variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 71 na sa 254 biyahero ang kanilang natukoy at  254, nasa 250 sa mga ito ay mga ‘returning overseas Filipinos (ROFs)’ habang apat ay mga dayuhan.

Sa 71 natukoy, apat na ang sumailalim sa COVID-19 re-testing at tatlo ang nagnegatibo habang nasa 67 biyahero pa ang naka-iskedyul na sumailalim sa re-testing.

Inatasan na ang mga lokal na pamahalaan, Bureau of Quarantine at Department of the Interior and Local Government (DILG) na hanapin ang mga dumating na biyahero na nagmula sa mga bansa na nasa ‘red list’ mula Nobyembre 19-26.

Kabilang sa mga bansang inilagay sa ‘red list’ ang Botswana, Eswatini, Lesotho, Mozambique, Namibia, South Africa, Zimbabwe, Belgium, Italy, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, at Switzerland mula Nob. 28 hanggang Disyembre 15.

Samantala, is­inasa­ilalim na sa COVID-19 re-testing ang tatlong South African nationals na umano ay bakunado na dumating sa Negros Occidental noong Nobyembre 25 at 26 na  isinailalim sa ‘home quarantine’ sa isang paupahang bahay.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with