^

Police Metro

Pinas pang-4 sa mundo sa daily rate ng ibinibigay na COVID-19 vaccine

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa ikaapat na ranggo ang Pilipinas pagdating sa daily rate ng COVID-19 vaccines na naipamamahagi sa publiko.

Ito ang ipinagmamalaki ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na nakamit ito makaraang makagpaturok ng 2.7 milyong doses ng bakuna nitong Nobyembre 29 sa inilunsad na National Vaccination Day na pinalawig hanggang kahapon.

Posible pa umano na mag-number 1 ang Pilipinas kung ikukumpara ang total na populasyon ng bansa sa mga bansang nanguna.

“Number one tayo kasi 110 million lang tayo [kumpara] sa India and China na nasa 1 billion ang population. Kaya I hope we are able to sustain the momentum,” ayon kay Duque.

Base sa “Our World in Data”, nasa unahan ng Pilipinas ang China na may 22 milyong doses kada araw, India na may 10 milyong doses at Estados Unidos na may 3.4 milyong doses.

Base sa National COVID-19 Vaccination Dashboard ng DOH, higit sa 90.2 million doses na ang naipamahagi ng pamahalaan hanggang nitong Disyembre 2.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with