^

Police Metro

Libong Pinoy workers na-trap sa 14 bansang may kaso ng Omicron

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Na-trap ang libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) sa 14 bansang  nasa red list ng World Health Organization (WHO)  dahilan sa nakumpirmang kaso ng bagong Omicron variant ng COVID-19.

Kabilang dito ay ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy sa gitna na rin ng pagsasara ng border ng Pilipinas laban sa mga biyaherong galing sa mga red list countries.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at ACT CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran ang nasabing mga na-trap na OFWs ay tutulungan naman ng gobyerno na makabalik sa bansa.

Sinabi ni Taduran na ang agarang pagsasara ng mga border ng Pilipinas sa mga biyahero mula sa mga bansang may mataas na impeksyon ng Omicron variant ay makakatulong para maiwasang makapasok ang bagong variant ng Covid sa bansa.

vuukle comment

OFW

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with