^

Police Metro

Duterte pinasalamatan si Go sa panawagan na magkaisa ang mga Duterte supporters

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte pinasalamatan si Go sa panawagan na magkaisa ang mga Duterte supporters
Bagaman at hindi tahasang binanggit ang pangalan ni Go, sinabi ni Duterte-Carpio na nagpapasalamat siya at dininig nito ang kanyang pakiusap.
Presidential Photo

MANILA, Philippines —  Pinasalamatan ni Vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte si Sen. Christopher “Bong” Go dahil sa pagtugon nito sa panawagan na magkaisa ang mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagaman at hindi tahasang binanggit ang pangalan ni Go, sinabi ni Duterte-Carpio na nagpapasalamat siya at dininig nito ang kanyang pakiusap.

Sinabi ni Duterte-Carpio na matapos niyang ilunsad ang kanyang kandidatura para sa pagka-bise presidente ng bansa, nanawagan siya sa lahat nang sumusuporta sa administrasyong Duterte na magkaisa sa isang misyon na ipagpatuloy ang mabuting nasimulan ng kanyang ama.

Inulit pa ni Duterte-Carpio ang sinabi ni Go na iuurong niya ang kanyang kandidatura para sa pagkakaisa ng kanilang mga lider at mga tagasuporta.

Sinabi rin ni Duterte-Carpio na layunin nila ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na magkaisa ang lahat para makamit ang pangarap para sa bansa.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with