^

Police Metro

Kotong, wang-wang sa gobyerno wawalisin ng Lacson-Sotto admin

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maliban sa kalsada ay wawalisin din nina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kotong sa gobyerno kung papalarin na magiging susunod na lider ng bansa.

Ayon kay Lacson, kung kinaya niya na mawala ang kotong sa kalsada noong siya ay PNP Chief pa ay kaya rin nilang  dalawa ni Sotto na walisin ito sa gobyerno.

Ayon sa dalawang batikang mambabatas, na may 42 taon ng pinagsamang pagseserbisyo sa Senado, ang kanilang magandang performance at katapatan bilang serbisyo publiko ang makakapagpatunay na kayang-kaya nilang aksyunan ang katiwaliang ito sa mga opisyal ng gobyerno at iba pang otoridad.

“Ang susi lang para matigil ang katiwalian ay ang pagkakaroon ng iisang pamantayan na kailangang sundin at pagkakaroon ng lider na ehemplo ng magandang pamamalakad at hindi ginagamit ang posisyon para makalamang,” pahayag ni Lacson.

Idinagdag pa ni Lacson, dapat ding matigil ang pagkakaroon ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga politiko at opisyal ng pamahalaan tulad ng paggamit ng wang-wang.

 “Alam mo, ‘yung feeling of entitlement dapat ‘yon wala e. Pare-pareho, mapa-government vehicle ka o kaya nagmamadali ka, dapat ‘pag sinabing bus lane, bus lane; o kaya mga ambulance lane, ‘yun lang,”wika ni Lacson.

vuukle comment

EXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with