^

Police Metro

P1.1 bilyong ismagel na produkto, nasabat

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aabot sa P1.1 bilyong halaga ng mga puslit na pekeng branded na produkto ang nasamsam nang salakayin kamakailan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ilang bodega sa Baclaran, Pasay City.

Sa ulat ng BOC, Nobyembre 29 nang salaka­yin ng BOC Intelligence Group (IG) Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Right Division (CIIS-IPRD) at ng BOC-Port of Manila (BOC-POM) ang Baclaran Wholesale Complex sa panulukan ng F.B. Harrison at J. Fernando Streets sa Baclaran, Pasay.

Dala ang Letter of Authority (LOA) mula kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay ininspeksyon ng mga otoridad ang ilang bodega dahilan para madiskubre ang napakaraming mga damit, bags, sapatos, tsinelas at iba pang gamit na may mga branded na tatak ngunit pawang mga peke.

Nang walang maipakitang legal na papeles ang mga inabutang tauhan ng bodega, ipinatupad ng BOC ang pagkumpiska sa mga gamit.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 8293) at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863) ang hindi pa matukoy na may-ari ng mga nasabing puslit na pekeng produkto.

vuukle comment

SMUGGLED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with