^

Police Metro

CBCP head, tinuligsa ang e-sabong

Danilo Garcia - Pang-masa
CBCP head, tinuligsa ang e-sabong
Sa gitna ng hirap ng buhay dahil sa pandemya, inilarawan ni David na ang pagpayag ng pamahalaan na makapag-operate ang ‘e-sabong’ ay isa sa pinakamapaminsala na bagay na pinayagan nito.
Eugene Parayaoan

MANILA, Philippines — Tinuligsa ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang pamahalaan dahil sa paglaganap ng sugal na cockfighting o ‘e-sabong’ (online cockfighting) na marami na ang nalululong habang napapabayaan ang mga pamilya.

Sa gitna ng hirap ng buhay dahil sa pandemya, inilarawan ni David na ang pagpayag ng pamahalaan na makapag-operate ang ‘e-sabong’ ay isa sa pinakamapaminsala na bagay na pinayagan nito.

Para kay Bishop David ng Diocese of Caloocan, ang legalisasyon nito ay isa sa pinaka-disastrous na gagawin ng gobyerno na taliwas din aniya ito sa layunin ng gobyerno na iligtas sila sa adiksyon.

Paliwanag pa nito, habang nakakaadik na ang tunay na sabong, iginiit nito na mas lalong makakaadik ang online sabong dahil sa accessibility nito.

“This e-sabong, which, by the way, was unanimously granted a franchise by Congress, is online. Meaning, it can be accessed by anyone — yes, even by kids who have gotten quite used to online activities due to the pandemic,” dagdag pa ni David.

vuukle comment

CBCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with