^

Police Metro

Google, Youtube ‘di tatanggap ng election ads sa 2022 polls

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi muna tatanggap ang internet giant Google kasama ang sikat na platform na YouTube ng mga political ads pagsapit ng ‘campaign period’ sa 2022 national elections.

Sa pahayag ng Google, epektibo ito sa mga election ads na binayaran sa Google Ads, Display, Video 360 at maging sa mga shopping platforms na pino-promote naman sa Google, YouTube, at iba pa nilang mga kapartner.

Epektibo ito mula Pebrero 8, 2022 hanggang Mayo 9, 2022 sa kasagsagan ng campaign at silence period.

Nakikipagtulungan rin umano ang Google sa Commission on Elections (Comelec) sa ilang inisyatibo sa halalan tulad ng voter registration na hino-host ng Google Cloud.

Sa kabila nito, may iba pang plataporma para makapagpa-ads ang mga kandidato gamit ang internet sa pamamagitan ng ibang platforms tulad ng Facebook, Twitter at iba pang internet browsers at applications.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with