^

Police Metro

Food delivery rider tiklo sa pagdeliber ng shabu

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang food delivery rider ang inaresto nang mabisto na sa halip na pagkain ay shabu ang idinideliber niya sa kaniyang mga parokyano, kahapon ng umaga sa Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ang naarestong si Eduardo Delos Santos, alyas Ed, 48, Food Panda rider, at nakatira sa No. 2051 Oroquieta, Brgy. 346, Sta. Cruz, ng naturang lungsod.

Sa ulat, alas-8:00 ng umaga nang maaresto si Delos Santos sa kanto ng Oroquieta at Yuseco Streets sa Brgy. 346 nang makatanggap ng tip ang mga pulis ukol sa magaganap na deli­very ng iligal na droga ng isang rider sa nabanggit na lugar.

Agad na rumesponde ang mga pulis at naaktuhan nga ang isang delivery rider na angkop sa deskripsyon ng impormante kausap ang isang lalaki.

Nang sumulpot at magpakilala ang mga pulis, nagtatakbo ang dalawang lalaki ngunit nagawang makorner ng mga pulis si Delos Santos.

Nang halughugin ang kaniyang poses­yon, nadiskubre ang pitong plastic sachet na naglalaman ng tinatayang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400.

Kinumpiska rin ng mga pulis ang gamit niyang Mio Soul type scooter, susi, at kaniyang cellular phone na gamit sa transaksyon.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with