Makakapasok din sa Pinas ang Omicron — Duque
MANILA, Philippines — “Makakapasok din ng Pilipinas ang Omicron variant ng COVID-19.”
Ito ang tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque matapos matanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung may posibilidad ba na makapasok sa bansa ang bagong variant na sinasabing mas mabilis makahawa.
“Ang una kong tanong sa inyong mga doktor actually is iyang diretsahan na lang: Is there a possibility that the Omicron will visit the Philippines?” tanong ng Pangulo.
Sinabi ni Duque na hindi isyu kung makakapasok kundi kung kailan makakapasok.
“Yes, sir. It is a matter --- it’s not a matter of ‘if,’ okay? It’s a matter of ‘when.’ So talagang iyan po, papasok ‘yan just as we have experienced with Alpha, Beta, Delta among the more compelling variants of concern, Mr. President,” paniniyak ni Duque.
Kaya lubhang kailangan aniya na paigtingin ang “Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration.”
Kailangan din aniya na maipaintindi sa mga mamamayan ang tatlong “major interventions” katulad ng pagsunod sa minimum public health standards; pataasin pa ang vaccination rate at ipagpatuloy ang pagpapatatag ng health systems capacity bilang paghahanda sa “worst-case scenario.”
- Latest