^

Police Metro

P102 milyong shabu nasabat sa Caloocan

Joy Cantos - Pang-masa
P102 milyong shabu nasabat sa Caloocan
Nagmistulang maamong tupa ang suspek matapos na maaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Baesa Road, Brgy. 161, Zone 14, Caloocan City at nasamsam sa kanya ang 15 kilo ng pinaghihinalaang shabu na nasa P102 milyon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Isang drug suspek ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nakumpiska ng mga kinatawan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) sa pangunguna ni Intelligence Officer 3 Alvin Enciso, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), at ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang tinatayang 15 kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o “shabu” na aabot sa P102 milyong halaga.

Kinilala ang naarestong suspek na si Randy Rafael, alyas RR, 42, binata, residente ng P. Dandan St., Pasay City na umano ay galamay ng isang Chinese drug lord.

Sa ulat, alas-12:20 ng madaling araw nang magsagawa ng pinagsanib na buy-bust operation ang mga nasabing elemento ng pamahalaan sa kahabaan ng Baesa Road, Brgy. 161, Zone 14, District 1 ng nasabing lungsod.

Ang BOC, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ay patuloy sa kanilang mahigpit na pakikipag-koordinasyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan upang maprotektahan ang national borders laban sa pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with