Marcos manok ni ex-spox Roque sa 2022
MANILA, Philippines — Inendorso ni dating Presidential spokesman Harry Roque ang kandidatura ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa darating na halalan sa 2022.
Ito ang inihayag ni Roque matapos tanggapin ang alok ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para gawin siyang guest candidate bilang senador.
“This is to accept the adoption of Partido Federal ng Pilipinas as guest candidate for senator and to endorse you, Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., as candidate for president of the Philippines in the May 2022 elections,” ayon sa maiksing liham ni Roque. Hindi naman ikinagulat ng marami ang hakbang ni Roque, dahil inaasahan na umano ng BBM-Sara Uniteam na marami pang susunod na personalidad ang mag-eendorso sa kanila na may alok na mapagkaisang pamumuno.
Bukod sa dating tagapagsalita ng pangulo, naging mambabatas din si Roque, law professor at isang kilalang human rights advocate.
- Latest