^

Police Metro

Ligtas at makabagong bike lanes sa Quezon City handog ni Mayor Belmonte

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng lubos ang kasiyahan ng mga grupo ng bikers sa kautusan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na pagandahin at gawing ligtas pa ang mga ‘bike lanes’ na ngayon ay halos 178 kilometro na ang haba sa buong lungsod.

Sa pahayag ni Valentino Araojo ng Batch 80 Sunday Road Bike Warriors, malaking tulong sa kanila ang makabagong bike lanes at hndi siya nangangamba na may pipina sa kanila.

Ayon naman sa mga siklista na sina Joel Malabanan ng Brgy. Culiat at Francis Gonzales, ng Brgy. Damayan, mas marami ang mahihikayat na magbisikleta dahil nabibigyan na ng priyoridad ng pamahalaang lungsod ng Quezon at ni Mayor Belmonte ang kaligtasan ng bikers.

Ayon kay Assistant City Administrator Alberto Quimpo, marami pang nakalinyang mga pagbabagong mangyayari, alinsunod sa programa ni Mayor Belmonte para maprotektahan ang mga ‘cyclists’ sa pag-gamit ng mga bike lanes ng lungsod.

Sa ngayon ang mga bike lanes ay may mga temporary at semi-permanent traffic seperation devices upang protektahan ang mga siklista na sa kalaunan ay magiging permanente na ang mga barriers na maghihiwalay sa mga nagbibisikleta sa ibang mga sasakyan sa mga kalsada.

vuukle comment

BIKE LANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with