^

Police Metro

Special TF kontra spam texts, hiniling

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang agarang matukoy ang nasa likod ng naglilipanang spam texts ay iminungkahi ng Ang Probinsiyano Partylist na lumikha ng isang special task force.

Ayon kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong, dapat pang laliman ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Bureau of Investigation (NBI) at ng Data Privacy Commission ang kanilang imbestigasyon sa mga reklamo ng text scam.

Binigyan diin ni  Ong ang mass leakage ng private mobile phone numbers na ginamit ng mga scammer ay seryosong data privacy breach na maaaring may implikasyon sa national security.

Hindi umano ito dapat na balewalain ng pamahalaan dahil ito ay maituturing na panloloko at pananamantala.

Kasabay nito ay pinarerepaso at pinaaamyendahan din ng kinatawan ang Republic Act 10173 o ang Data Privacy Act upang mapalawak ang sakop ng batas at maitaas ang parusa sa mga paglabag sa data privacy.

vuukle comment

DICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with