^

Police Metro

China ‘trespassing’ sa Ayungin Shoal — Lorenzana

Doris Franche - Pang-masa
China �trespassing� sa Ayungin Shoal � Lorenzana

MANILA, Philippines — Tinawag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na “trespassing” ang China sa Ayungin Shoal at walang karapatan ang mga ito dito.

Ang pahayag ng kalihim ay matapos sabihin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian na dapat nang alisin ng Pilipinas ang nakasadsad na BRP Sierra sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Lorenzana, may soberanya ang Pilipinas sa Ayungin Shoal dahil pasok ito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Paliwanag ni Lorenzana, 1982 pa na-award ng United Nations Convention on the Law of the Sea ang EZZ ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kung kaya’t malaya tayong gawin ano man ang gusto nating gawin sa lugar.

Pagdidiin pa ng kalihim, dapat kilalanin ng China ang UNCLOS dahil pumirma sila sa kasunduan.

Maliban dito, ay wala aniyang legal o historical claim ang China sa lugar base sa ruling ng Arbitral Tribunal.

Kaya dalawa aniya ang dokumentong hawak ng Pilipinas na patunay na pag-aari ng bansa sa Ayungin Shoal.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with