^

Police Metro

Sara, negatibo sa drug test

Joy Cantos - Pang-masa
Sara, negatibo sa drug test
Ito ang kinumpirma kahapon sa isang statement ng Lakas-CMD at ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) bilang tugon sa hamon na sumailalim sa drug test ang mga kandidato lalo na sa matataas na posisyon sa gobyerno kaugnay ng gaganaping May 9, 2022 national election.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Negatibo din sa drug test si Davao City Mayor at Lakas –CMD vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio.

Ito ang kinumpirma kahapon sa isang statement ng Lakas-CMD at ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) bilang tugon sa hamon na sumailalim sa drug test ang mga kandidato lalo na sa matataas na posisyon sa gobyerno kaugnay ng gaganaping May 9, 2022 national election.

“Today, I took a drug test that yielded negative of any illegal substances. This test, I took voluntarily upon the request of my Uniteam partner, Senator Bongbong Marcos (BBM), to support the call for transparency as aspiring public officials seeking the trust of our fellow Filipinos,” pahayag ni Duterte-Carpio.

 Ayon kay Duterte-Carpio, ang Uniteam BBM-Sara ay naninindigan at nagkakaisa sa paglaban sa illegal na droga.

Binigyang diin ni Duterte-Carpio na importante ang giyera laban sa illegal na droga na isa sa mga pangunahing isyu na hamon sa bansa para makapagkaloob ng long term na solusyon para sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan.

Anya, krusyal ang nalalapit na halalan at kailangang masalang mabuti ang kuwalipikasyon ng mga kandidatong dapat na mahalal sa pinakamataas na puwesto.

vuukle comment

DRUG TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with