^

Police Metro

Hindi urine o blood test ‘drug test, gawin sa buhok’ — GO

Gemma Garcia - Pang-masa
Hindi urine o blood test �drug test, gawin sa buhok� � GO
Ito ang naging payo ni Senator at presidentiable Christopher “Bong” Go sa mga kandidato, upang mapatunayang wala sa kanilang gumagamit ng iligal na droga.
STAR/File

MANILA, Philippines — “Mas makaka­buting ga­wing opsyon ang hair test, sa halip na urine at blood test.”

Ito ang naging payo ni Senator at presidentiable Christopher “Bong” Go sa mga kandidato, upang mapatunayang wala sa kanilang gumagamit ng iligal na droga.

Sinabi ni Go na naka­handa siyang sumailalim sa drug testing para patunayang kuwalipikado siya para maging pangulo ng bansa.

“Ako naman po wil­ling magpa-drug test anytime of the day. Anytime po kung kakailanganin. Kahit di mandatory pero just to prove lang po sa Pilipino kung sino ‘yung fit na mamuno sa ating bansa ay willing po akong magpa-drug test any time of the day po,” ani Go matapos niyang bisitahin ang Malasakit Center sa Dr. Jorge Royeca Hospital sa General Santos City.

Naunang sinabi ni Go na walang dahilan upang hindi niya isumite ang sarili sa voluntary drug test, sa pagsasabing gagawin niya ito para sa sambayanang Filipino.

Maaalalang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential candidate na cocaine user. Bagama’t hindi tinukoy ang pangalan, sinabi ni Duterte na ang naturang kandidato ay popular at mula sa mayamang pamilya.

Sinabi ni Go na karapatan ng bawat Filipino na malaman kung ang mga kumakandidato ay malinis at negatibo sa mga iligal na bisyo gaya ng droga upang sila ay maging mabuting halimbawa, lalo sa paglilingkod sa bayan.

Sinisiyasat na rin ng Philippine National Police ang alegasyon ng Pangulo para malaman ang pagkakakilanlan ng kandidato.

vuukle comment

DRUG TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with