^

Police Metro

Number coding scheme planong ibalik ng MMDA

Ludy Bermudo - Pang-masa
Number coding scheme planong ibalik ng MMDA
In an interview yesterday, MMDA traffic chief Bong Nebrija said motorists whose vehicles are under “coding” will be fined P1,000 for violating the number scheme if spotted in prohibited areas from 7 a.m. to 8 p.m.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila ay may plano ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ibalik muli ang number coding scheme bago magtapos ang buwang ito o pagpasok ng Disyembre.

Ito ang sinabi ni MMDA Director Noemie Recio sa panayam ng ‘New Day’ ng CNN Philippines at nakabin­bin pa naman ang plano at wala pang pinal na desisyon dahil hinihintay pa ang pag-apruba ng Metro Manila Council (MMC).

“The pre-pandemic volume is 405,000. We are expecting by this Christmas season, it will be nearing 405,000 or over 405,000 a day,”aniya.

Gayunman, may tatlong opsyon ma nakahain sa pagpapatupad ng number coding na tatalakayin at pag-aaralan pa sa susunod na pagpupulong ng 17 Metro Manila mayors.

Una rito ang mapagsisimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ngumaga; ikalawa ay simula alas 5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi lamang ; at ikatlo ay ang buong araw simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas- 8:00 ng gabi.

Aniya,araw-araw ay tumataas ang volume ng mga sasakyan at hindi na bumababa na halos kapareho na noong di pa nagkakaroon ng pandemic.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with