^

Police Metro

Roque tatakbong senador

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpaalam na si Presidential spokesperson Harry Roque sa publiko na iiwan nito ang kanyang posisyon para harapin ang hamon sa kanyang pagtakbo sa pagka-senador.

Hindi naman binanggit ni Roque kung sino ang papalit sa kanya bilang tagapagsalita ni Pangulong Duterte.

Tatakbo si Roque sa ilalim ng People’s Reform Party (PRP) kung saan pinalitan niya ang isang kandidato.

Ang People’s Reform Party ay ang partidong binuo ng namayapang si dating senator Miriam Defensor-Santiago.

“Ito na po ang huling araw na makakasama nyo ako bilang inyong Presidential Spox, IATF Spox, at Spox ng bayan. Masaya akong mission accomplished na po tayo, iiwan ko ang trabaho ko na mas mabuti kumpara sa ating nadatnan,” ani Roque.

Ayon pa kay Roque, nagpaalam siya kina Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Matatandaan na nauna nang sinabi ni Roque na tatakbo lamang siyang senador kung tatakbo rin si Duterte-Carpio.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with