^

Police Metro

Kapag sumirit sa higit 50K ang COVID-19 active case sa Disyembre masayang Pasko posibleng maudlot - DOH

Danilo Garcia - Philippine Center for Investigative Journalism

MANILA, Philippines — Posibleng maudlot ang inaasahan na masayang pagdiriwang ng Pasko ng mga Pinoy kapag sumirit ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa 52,393 sa Disyembre.

Ito ang paalala ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko kaya di dapat magpabaya sa pagsunod sa ‘minimum health protocols’.

Ang naturang numero ay pagtataya ng kanilang Disease Surveillance Team kung magiging matigas ang ulo ng taumbayan at hindi susunod sa umiiral na protocols lalo na sa matataong lugar.

“We can have these high numbers until the end of December,” ayon kay Vergeire patungkol sa pagtaas ng kilos ng mga tao ngayong nasa mas mababang Alert Level 2 na ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Ngunit kung patuloy naman sa pagsunod ang tao sa kasalukuyang mga protocols maging ang restriksyon sa paggalaw at mapapanatili ang ‘detection-to-isolation rate’ sa limang araw, maaa­ring bumaba pa ang mga aktibong kaso sa 22,000 sa Nobyembre 15.

Nag-umpisang bumaba sa 50,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa noong Oktubre 30 at patuloy ang pagbulusok na kung saan kahapon ay naitala ang aktibong kaso sa bansa sa 33,526.

vuukle comment

COVID-19

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with