^

Police Metro

Caroling sa Pasko aprub sa DILG

Mer Layson - Pang-masa
Caroling sa Pasko aprub sa DILG
Sellers arrange Christmas decorations at Dapitan Arcade in Quezon City on Nov. 5, 2020.
The STAR / Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Inaasahang maiibsan ang pahirap na dinaranas ng publiko habang papalapit ang Kapaskuhan matapos ihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pabor ito sa pagsasagawa ng Christmas caroling maging sa mga bata.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, wala silang nakikitang masama sa Christmas caroling ngayong umiiral na ang alert level 2 sa COVID-19 sa Metro Manila.

Ani Malaya, nasa open air naman ang ginagawang caroling kaya maaari na itong pahintulutan tulad ng pagbibi­gay ng go signal sa ibang aktibidad sa ilalim ng umiiral na alert level 2.

“Wala po tayong nakikitang paglabag sa ca­roling dahil alert level 2 na tayo,” sabi ni Malaya.

Inihalimbawa ni Malaya na pinapayagan nang lumabas ang mga bata, pinapapasok sa mga mall, pasyalan at kainan kaya wala siyang nakikitang masama sa caroling, bagama’t naghayag kahapon ang Department of Transportation na bawal pa ang mga bata sa mga pampublikong transportasyon hangga’t wala pang pinalalabas na guidelines ukol dito.

Maging ang mga vi­deoke houses ay pinapa­yagan na rin pero sa 50 percent na kapasidad lamang.

Payo ni Malaya sa mga mangangaroling na observe parin ang health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with