^

Police Metro

Mayor Joy Belmonte itinampok ang mga nagawa sa ika-3 SOCA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagawa na umano ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pangako nitong unahin na paglingkuran ang mga residente ng lungsod.

Ito ang tampok na laman ng kanyang isinagawang State of the City Address (SOCA) sa QC Albert hall.

Dito ay inisa-isa ni Belmonte ang hilera ng mga ipinatupad na programa sa larangan ng kalusugan, infrastructure, pabahay, edukasyon, livelihood, negosyo, employment, transportation, seguridad, disiplina at ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pandemya.

Anya, sa kabila ng mga hamon na dulot ng Covid-19 pandemic ay naging prayoridad ng kanyang panunungkulan ang taumbayan.

Ipinagmalaki rin ni Belmonte na ang lokal na pamahalaan ay walang utang at nakalikom pa ng P24.6 bilyon noong 2019 at bago magpandemya ay may P22 bilyon naman ang nalikom ngayong taon sa kabila ng pandemya.

Inihayag din niya ang iba’t ibang pagkilala sa QC government tulad ng Commission on Audit (COA) na nagsabing isa sa lokal na pamahalaan na sumunod sa mga rekisitos ng ahensya hinggil sa paggasta ng pondo para sa lungsod.

Tumanggap din ng parangal ang QC mula sa iba’t ibang sektor at samahan na ang pinakahuli ay ang Ga­ling Pook Award dulot ng mahusay na pamumuno sa lokal na pamahalaan na patunay na nasa tamang landas para sa mahusay na paglilingkod sa mamamayan ng QC.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with