^

Police Metro

Selebrasyon ng Undas, Pasko pang-pamilya lang — DOH

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa publiko na gawing pampamilya lamang ang paggunita ng Undas at pagdiriwang ng Pasko.

Ayon kay Health ­Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mass gatherings sa bansa ngunit kung ang pagdiriwang ay sa ‘bubble’ lamang ng pamilya ito ay pinapayagan naman nila, basta’t naipatutupad ng maayos ang umiiral na mga health protocols.

“Mass gatherings are still prohibited, [but those taking place] within the bubble of the family are allowed, but safety protocols needed to be implemen­ted,” pahayag ni Vergeire.

Sinabi pa ni Vergeire na dapat ding patuloy na umiwas ang publiko sa mga lugar na tinaguriang 3Cs  o yaong closed, crowded at close-contact places.

“I-recognize natin ‘yan na ‘yan po ang mga pinakamagbibigay ng impeksiyon sa pamilya,” sabi ng opisyal.

Marapat aniyang obserbahan ang health protocols sa mga outdoor gatherings.

Aniya, kung nakakaramdam na ng mga sintomas ng COVID-19 ay mas makabubuting huwag nang dumalo sa pagtitipon.

Maging ang mga political aspirants ay pinaalalahanan din naman niya na mag-obserba ng safety protocols sa kanilang campaign events.

vuukle comment

DOH

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with