^

Police Metro

Maingay na lalaking may sakit sa isip, pinatay

Jorge Hallare - Pang-masa
Maingay na lalaking may sakit sa isip, pinatay
Nasawi noon din dahil sa malalalim na taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marcelino Suson Pedragosa.
File

CAWAYAN, Philippines — Masbate-Karumal-dumal na ­kamatayan ang sinapit ng isang 49-anyos na may sakit sa pag-iisip matapos pagtatagain ng sariling kaanak sa loob ng kanilang bahay sa Purok5, Brgy.Mactan, Cawayan, Masbate, ­kamakalawa ng hapon.

Nasawi noon din dahil sa malalalim na taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marcelino Suson Pedragosa.

Arestado naman ang suspek na si Jessie Pedragosa Baring, binata, magsasaka at kapwa residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong ala-1:40 ng hapon nagpunta ang suspek sa bahay ng biktima para humingi ng kanin sa nanay nito.

Gayunman,dahil sa sinusumpong ng sakit sa pag-iisip ay nag-iingay ang biktima nang nakita ang suspek na pumasok sa kanilang bahay na ikinairita ng huli.

Nagdilim umano ang paningin ng suspek dahil sa ingay kaya binunot nito ang nakasukbit na itak sa beywang saka pinagtataga ang biktima na agarang nasawi.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with