Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila lalo pang sumadsad
MANILA, Philippines — Sumadsad sa 0.47 ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila katumbas ng lebel bago magkaroon ng surge ng Delta variant sa bansa.
Ito ang sinabi kahapon ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, at hindi lamang sa MM kundi maging sa buong bansa.
Kung ang pagbabatayan ang reproduction number ng COVID sa buong bansa, ngayon ay nasa 0.55 na lamang ito.
Ang reproduction number ay ang bilis ng nahahawaan ng COVID-19 mula sa isang nagpositibong indibidwal.
Kasalukuyang 7-day average naman sa bansa ay nasa 6,416, samantala 1156 naman sa MM na pinakamababa simula noong Hulyo.
“Based on current trends, the country is tracking at less than 5K new cases (7-day average) by end of October with less than 1K in NCR,” pahayag ni David.
“This means we expect number to return to pre-delta surge level by end of October,” dagdag pa niya.
Matatandaan na kahapon ay nakapagtala lamang ng 3,656 bagong kaso ng COVID-19 ang bansa na pinakamababa simula noong Hulyo 13.
- Latest