^

Police Metro

Kaso ng COVID-19 sa NCR plus 8, patuloy ang pagliit

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagliit ng kaso ng COVID-19 o patuloy sa ‘downward trend’ ang mga lugar na nasa ilalim ng NCR Plus 8.

Ito ang sinabi kahapon ng OCTA Research Group na mayroong reproduction number na mas mababa sa 0.55.

Ayon sa grupo, sa National Capital Region (NCR) ang pinakahuling reproduction number sa rehiyon ay nasa 0.52 na lang mas mababa na sa 0.55 na naitala noong Mayo.

Ilan pa sa mga lugar na nasa NCR Plus Eight ay ang Cebu City na may reproduction number na lamang na 0.52; Davao City sa 0.49; Bulacan sa 0.50; Batangas na may reproduction number na 0.51; Cavite, 0.43; Laguna 0.45; Pampanga na may 0.52 at Rizal na nasa 0.55 ang reproduction number.

Pagdating naman sa positivity rate, nangunguna ang Laguna sa 17%, Cebu City at Cavite sa 6% samantala ang NCR naman ay may 8% positivity rate.

Ang NCR, Davao City, Cavite, Laguna at Rizal ay nasa ilalim ngayon ng Alert Level 3 at ang Batangas at Cebu City naman ay nasa Alert Level 2 na lamang.

Hindi pa naipatutupad ang alert level system sa ilang lugar na kabahagi ng NCR Plus Eight.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with