^

Police Metro

Anim na pulis tiklo sa kotong

Danilo Garcia - Pang-masa
Anim na pulis tiklo sa kotong
Kinilala ang inaresto na sina P/SSg Jeffrey Meija,; P/Cpl Johndee Toledo; Pat. Kenneth Cordova; Pat Danny Rangaig; P/Cpl Jigie Azores; at P/Cpl Kevin John Villanueva.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Anim na pulis-Maynila ang inaresto matapos ­kotongan ang isang Sangguniang Kabataan chairman nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang inaresto na sina P/SSg Jeffrey Meija,; P/Cpl Johndee Toledo; Pat. Kenneth Cordova; Pat Danny Rangaig; P/Cpl Jigie Azores; at P/Cpl Kevin John Villanueva.

Sa reklamo sa pulisya ng biktimang si Jericho Laniog, 24, binata, SK Chairman, nakatira sa Brgy. 313, Sta. Cruz, Manila ay nakatayo siya at kaniyang kaibigan sa kahabaan ng Luzon Street sa Brgy. 314 Sta. Cruz, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang sitahin sila ng dumating na lalaki na nagpakilalang mga pulis.

Hinuli sila ng mga pulis dahil sa paglabag sa Ordinance 8737 (Metro Wide Curfew) kung saan nahulihan ang kasama ni Laniog ng drug paraphernalia na pipe saka sila dinala sa Padre Algue Police Community Precinct.

Dito nanghingi umano ang mga pulis ng pera para makalaya sila at nakaipon ng  P47,000 halaga ng pera si Laniog nang isangla ang kaniyang motorsiklo at gintong kuwintas.

Nang makalaya, nagsampa ng reklamo si Laniog sa PS-2 kaya nagkasa ng operasyon ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Positibong kinilala ni Laniog ang mga pulis na umaresto at nangotong sa kaniya, nakatakdang sampahan ng kasong Robbery Extortion sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with